Ang E-Loading ay ang pagbebenta ng Electronic Prepaid Loads katulad ng cellphone load, internet access, online game credit at marami pang iba.
Ang Networking o MLM ay isang business strategy upang dumami ang tumangkilik sa produkto o serbisyo. Ang isang member ay kumikita ng extra maliban sa pag-bebenta sa pamamagitan ng pag-alok ng oportunidad sa ibang tao na gusto din kumita sa pag-bebenta ng nasabing produkto o serbisyo.
Narito ang simpleng explanation kung paano ka kikita sa dalawang nabanggit na paraan.
Kung E-Loading negosyo ang hanap mo, mamuhunan ka ng konti para kumita ka ng maganda. Pera ang pang-akit sa pera.
1. maghanda ng pera para maging retailer
2. maghanda ng pera para maka-pwesto sa ma-taong lugar
3. maghanda ng pera pang puhunan ng load
4. simulan mag-benta, sa magandang pwesto kaya mo umubos ng 1.5k - 2k kada araw
5. ulitin simula number 2 para sa susunod mong "branch"
Kung ikaw ay may sales na aabot ng P10,000 kada isang linggo, may tubo ka na aabot ng P1,200
Alternatibo sa seksyon ng E-Loading negosyo.
1. maghanda ng pera para maging dealer
2. mag-hanap ng retailer na malakas mag-benta ng load, mga 1.5k - 2k kada araw
3. ibenta o ipamigay ang retailer access card. kung kinakailangan, pautangin ng load ang retailer
4. kumita sa sales override mula sa benta ng retailer
5. ulitin simula number 2 para sa susunod mong "retailer"
Sa isang retailer na may sales na aabot ng P10,000 kada isang linggo, may kita ka na aabot ng P200 nang walang ginagawa. Ang dealer package ay may kasamang 20 na retailer card.
Kung Networking naman ang hanap mo, babala! alamin mong maigi ang nasa taas bago ka dumaldal este mag-alok.
1. maghanda ng pera para maging dealer
2. pag-aralan ng seksyon ng negosyo, mas mainam kung ma-experience mo
3. mag-ipon ng laway at simulan mo na mag-alok
4. ulitin simula number 3
No comments:
Post a Comment