Wednesday, March 28, 2012

Ano Ang E-Wallet?


Ang e-wallet ay katulad din ng isang pisikal na pitaka na kung saan ang pera ay nilalagay (totoo na maari ka ring mag-lagay ng pera sa bulsa, ngunit huwag na natin itong pag-talunan).

Ito ay nagbibigay-daan sa mga gumagamit na magsagawa ngelektronikong transaksyon na mabilis at ligtas katulad ng pag-bebenta ng e-load.

Kapagtapos mong magpa-rehistro bilang Technouser o Technopreneur, ikaw ay magkakaroon ng VMobile/LoadXtreme E-wallet at ito ay iyong popondohan o lalamanan sa pamamagitan ng pag-deposito sa bangko. Maari ring mag-transfer ng pondo ang isang dealer sa kapwa dealer o sa retailer.

Kapag may laman na ang iyong VMobile/LoadXtreme E-wallet, maari ka nang bumili (para sa iyong personal na konsumo) o mag-benta ng e-load at iba pang mga prepaid products.

No comments:

Post a Comment